Isa sa mga inaabangang pagdiriwang sa ating pinakamamahal na paaralan, ang Elizabeth Seton School ay ang Buwan ng Wikang Pambansa kung kailan tayo nagsasagawa ng marami at masasayang gawain tulad ng Palarong Pinoy, Paggayak ng Kasuotang Pinoy, iba’t ibang timpalak at syempre ang paborito ng lahat ang Kamayan at Pistahan sa Seton o KamPiSe.
Malaki ang hamong ating kinahaharap dahil sa pandemyang nararanasan. Ganoon pa man, walang makapipigil upang patuloy nating ipagmalaki ang pagka-Pilipino lalo na ang ating Pambansang Wika—ang Wikang Filipino.
Muli nating sariwain at tunghayan ang mga masasaya at kapanapanabik na gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na nagbigay ngiti, saya at mga hindi malilimutang karanasan na nagsisilbing daan sa pagpapanatili at nagpapayaman sa kulturang Pilipino at Wikang Filipino.