September 29, 2009 Minamahal naming mga taga-Seton, Kakaiba po ang paghihirap ng marami sa ating mga kababayan ngayon sa pananalanta ng bagyong Ondoy. Isama na po natin diyan ang apat naming mga guro na kasamang nasalata. Alam po naming mahirap ang buhay ng nakakarami ngunit ibilang po natin ang ating mga sarili sa mga mapapalad sa mga panahong ito. Sana po ay sama-sama nating ipadama ang ating pagtulong at pagkalinga sa kanila na lubos na nahihirapan. Sa pagkakaisa po sa Red Cross ay nakuha namin ang bagay na lubos na kinakailangan ng ating mga kababayan ngayon: Tsinelas (Slippers) Gatas (Powedered Milk) Delata (Canned Goods) Tubig (Bottled Water) Bigas (Rice) Crackers / Biscuits Ang mga donasyong mangagaling sa magagandang loob bukod sa estudyante o empleyado ng Seton ay maaring idaan kay Bb. Pearl Geneblaza (local 129) o Ginoong Jayson Refran (local 120). Isang sulat po ang aming ipapadala sa ating mga estudyante pag bukas ng klase upang masiguro ang kaayusan at mabilis na pag aayos ng mga nalikom na donsayon. Malugod din po naming tatangapin ang kahit na anong tulong pang pinansyal na aming gagamiting pambili ng mga bagay na nakalista sa itaas. Ito po ay maari ninyong ipadala sa: Bank: Banco De Oro – BF Resort, Las Piñas Account Name: Elizabeth Seton School, Inc. “Operation Tulong” Account Number: 6 4 6 0 0 3 6 1 8 6 Swift Code: B N O R P H M M Nakikiusap po kami na ibukas natin ang ating mga puso at palad para lubos na makatulong sa ating mga kababayan. Sumasainyo at lubos na umaasa sa inyong tulong, Josefina V. Suarez, Ed.D. President |
|